MMDA nagbukas ng emergency lay-by para sa mga motorsiklo kapag umuulan
Nagbukas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng emergency lay-by sa ilalim ng Quezon Avenue Flyover sa EDSA para masilungan ng motorcycle riders kapag umuulan.
Ayon kay MMDA Chairman, Benhur Abalos papayagang huminto sa nasabing lugar ang mga motorsiklo kapag umuulan para hindi sila humaharang sa kalsada at hindi nakakaabala sa ibang motorista.
“We understand the plight of motorcycle riders when they have to stop in the middle of the road while waiting for the rain to stop, it’s very risky for them because they might get into a road accident. At least with the emergency lay-by, they can take cover during heavy rains,” ayon kay Abalos.
Paalala ni Abalos sa mga rider, maaari lamang gamitin ang emergency lay-by bilang silungan kapag umuulan at bawal itong gamiting parking area.
“Motorcyclists would be allowed to stay only when it is raining. No parking shall be allowed or they shall receive violation ticket for illegal parking,” ani Abalos.
Naglagay din ng signage sa emergency lay-by para alam ng mga motorista na hindi ito pwedeng gamiting paradahan.
Ayon kay Abalos maglalagay din ng emergency lay-by sa ilalim ng flyovers sa iba pang bahagi ng EDSA partikular GMA Kamuning, Kamias, Santolan/Crame, Ortigas, Buendia, Tramo (left turning), Roxas Boulevard.
Sa kahabaa ng C5 Road ilalagay ang emergency lay-by sa Tandang Sora, Aurora Boulevard, C5-Libis, Pasig Boulevard, C5 Kalayaan elevated U-turn.
Sa Roxas Boulevard naman ay sa Roxas Jr. flyover, Buendia flyover, Roxas Boulevard-EDSA flyover Seaside Drive.
Sa Alabang Road sa Metro Manila Skyway (toll road) malapit SLEX South Station toll gate, South Luzon Expressway (toll road) malapit sa Alabang Purple Hill, Paranaque-Sucat Road at Chapel Road. (Dona Dominguez-Cargullo)