Walang “favoritism” sa pamamahagi ng bakuna – Galvez

Walang “favoritism” sa pamamahagi ng bakuna – Galvez

Itinanggi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang umano’y “favoritism” sa pamamahagi ng covid-19 vaccines sa bansa.

Reaksyon ito ni Galvez sa sinabi ni dating health secretary at ngayo’y Iloilo Representative Janette Garin, na mayroong palakasan sa pamamahagi ng bakuna.

Ipinaliwanag ni Galvez na dini-distribute nila ang mga bakuna sa Centers for Health Development ng DOH at sa local government units at mayors ng highly urbanized areas.

Sinabi pa ng kalihim na ang nais kasi ni Garin ay ibigay nila rito ang alokasyon ng bakuna, na hindi naman aniya tama dahil hindi naman ito kasama sa lineage ng distribution.

Idinagdag pa ni Galvez na may ilang politiko na nais gamitin ang Covid-19 vaccination program para sa sarili nilang political agenda. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *