70 milyong Filipino may 1st dose na ng COVID-19 vaccine pagsapit ng Nobyembre

70 milyong Filipino may 1st dose na ng COVID-19 vaccine pagsapit ng Nobyembre

Tiwala si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na kaya ng pamahalaan na makapag-administer ng 70 million na first dose ng Covid-19 vaccine hanggang sa Nobyembre.

Sinabi rin ni Galvez na target ng pamahalaan na mabakunahan ng first dose ang 40 million na mga Filipino ngayong third quarter ng 2021.

Aminado ang kalihim na ambisyoso ang vaccination plan ng national government, gaya ng paglalarawan ni World Health Organization representative to the Philippines, Dr. Rabindra Abeyasinghe.

Paliwanag ni Galvez, mas maganda na mas mataas ang kanilang target at ginagawang “very ambitious” ang kanilang standard upang lalong ganahan at talagang masagad ang kakayanan at potensyal ng local at national governments.

Kumpiyansa si Galvez na kaya ng pamahalaan na makapagbakuna ng kalahating milyon kada isang araw. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *