121 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 121 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Lunes, July 19, sumampa na sa 33,932 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,433 ang active cases at 32,088 naman ang gumaling.
411 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw makaraang makapagtala ng isa pang nasawi.
Ang 121 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Eastern Samar (61)
Leyte (35)
Tacloban City (11)
Southern Leyte (8)
Samar (4)
Northern Samar (2)
Batay sa datos, nasa “high” ang average daily attack rate sa Eastern Samar.
Habang “medium” naman ang average daily attack rate sa Biliran, Northern Samar, Samar, Southern Leyte at Leyte. (Dona Dominguez-Cargullo)