United City FC Striker Bienvenido Marañon pinagkalooban na ng Filipino Citizenship

United City FC Striker Bienvenido Marañon pinagkalooban na ng Filipino Citizenship

Opisyal nang Filipino Citizen si United City FC Striker Bienvenido Marañon makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11570.

Sa ilalim ng naturang batas, pinagkalooban ng Filipino Citizenship si Marañon na ipinanganak sa Spain subalit naglaro sa Pilipinas simula noong 2015.

Hindi na nakasama si Marañon sa kampanya ng Philippine Azkals sa Joint FIFA World Cup/AFC Asian Cup Qualifiers noong nakaraang buwan.

Kailangan pang manumpa ni Marañon para sa allegiance at mag-register sa FIFA bago makapaglaro para sa Azkals.

Ayon naman sa National Team Coach na si Scott Cooper, sa kabila ng delay sa naturalization ni Marañon ay fully committed pa rin ito sa Azkals at Philippine Football. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *