Taal Volcano muling nagkaroon ng phreatomagmatic eruption kaninang 11:56 ng umaga
Nakapagtala muli ng phreatomagmatic eruption sa Taal Volcano alas 11:56 ng umaga ngayong Miyerkules, July 7.
Ito na ang ikalimang phreatomagmatic eruption sa bulkan ngayong araw.
Nakuhanan ang pagputok sa pamamagitan ng Main Crater IPCamera kung saan nagbuga ito ng 200-meter dark gray plume.
Una nang naitala ng PHIVOLCS ang phreatomagmatic events sa Bulkang Taal alas 5:18 ng umaga, alas 8:47 ng umaga, alas 9:15 ng umaga at alas 9:26 ng umaga. (Dona Dominguez-Cargullo)