AFP Westmincom nagpasalamat sa mga residente ng Patikul, Sulu na rumesponde sa bumagsak na C-130 plane

AFP Westmincom nagpasalamat sa mga residente ng Patikul, Sulu na rumesponde sa bumagsak na C-130 plane

Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga Tausug na tumulong at rumesponde nang bumagsak ang military plane sa Patikul, Sulu.

Sa pahayag ni AFP Western Mindanao Command, commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., kinilala nito ang walang pag-aalinlangan na pagtulong at pagresponde ng mga Tausug sa insidente sa Brgy. Bangkal bayan ng Patikul.

Ayon kay Vinluan sa kabila ng delikadong sitwasyon ay iniligtas ng mga residente ang maraming sundalo.

Viral ngayon sa social media ang larawan ng mga lokal na residente sa Patikul na mabilis na rumesponde nang bumagsak ang C-130 military plane noong July 4. (BVD)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *