Pagdating sa bansa ng 170,000 doses ng Sputnik V hindi matutuloy

Pagdating sa bansa ng 170,000 doses ng Sputnik V hindi matutuloy

Hindi ulit matutuloy ang pagdating sa bansa ng 170,000 doses ng Sputnik-V vaccine ng Gamaleya.

Ayon sa National Task Force Against Covid-19, made-delay ang pagdating sa bansa ng mga bakuna.

HIndi naman binanggit ng Task Force kung kailan na ang bagong petsa ng pagdating sa bansa ng suplay ng Sputnik V.

Una nang sinabi din ng NTF na dalawang linggong made-delay ang pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccines ng Sinovac galing China.

Dahil sa delay na pagdating ng suplay ng mga bakuna, ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay inihinto na ang pagbabakuna ng 1st dose.

Sa ngayon ay second dose vaccination ang nagaganap sa mga LGU.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *