BREAKING: 1 sundalo, 2 CAFGU patay sa pag-atake ng NPA sa Eastern Samar
(UPDATE) Isang sundalo at dalawang CAFGU Active Auxiliary (CAA) ang nasawi sa engkwentro sa mga miyembro ng New People’s Army sa Jipapad, Eastern Samar.
Nangyari ang engkwentro alas 6:45 ng umaga ngayong Miyerkules, July 7.
Patungo sa Sitio Cabatas, Brgy. 4 ang limang sundalo at siyam na CAA na bahagi ng 52nd Infantry Battalion nang tambangan sila ng tinatayang nasa 30 mga rebelde.
Nangyari ang insidente malapit lamang sa ginagawang detachment ng mga sundalo.
70 metro lamang ang layo ng tropa ng militar sa kanilang detachment nang magkakasunod na sumabog ang tatlong IEDs landmines.
Nasundan ito ng palitan ng putok na tumagal ng halos 20 minuto.
Nakilala ang mga nasugatan na sina Edwin C. Adamero, CAA; Francis A. Legarse, CAA; Manny D. Maestre, CAA; Ronilo P. Porton, CAA; Jeffrey R. Pajanustan, CAA; at Helbert O. Pajanustan, CAA.
Nasawi naman sina TSGt. Junar Carpila ng Philippine Army at adalawang CAA na sina Mark Donald Lomuntad at Geremias EtcobaƱas.
Inaalam pa kung may nasawi at nasugatan sa panig ng mga kalaban. (Dona Dominguez-Cargullo, Infinite Radio Calbayog)