PNP chief Eleazar umapela ng kooperasyon kasunod ng bagong Lambda strain
Umapela ng kooperasyon sa publiko ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng napaulat na pagkakaroon ng panibagong strain ng COVID-19.
Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, dapat magpatuloy na sumunod sa health protocols para maiwasan ang pagkakahawa sa COVID-19.
Ayon sa World Health Organization (WHO) ang bagong Lambda strain ay maituturing nang “variant of interest”.
Kahalintulad ito ng Delta variant kung ang pag-uusapan ay ang transmissibility rate.
Sa ngayon ay wala pa namang nade-detect na ganitong variant sa Pilipinas. (Dona Dominguez-Cargullo)