12 Pinoy crew ng barkong galing India nagpositibo sa COVID-19; 2 ang kritikal ang kondisyon

12 Pinoy crew ng barkong galing India nagpositibo sa COVID-19; 2 ang kritikal ang kondisyon

Dalawang Filipino crew ng MV Athens Bridge ang ibinaba ng barko at dinala sa ospital dahil positibo sila sa COVID-19.

Umasiste ang mga tauhan ng Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Ports Authority (PPA), at ng Philippine Coast Guard (PCG) para maibaba ang dalawang crew ng MV Athens Bridge na galing ng India.

Umalis ang nasabing barko sa India noong April 22, 2021 at dumating sa Haiphong, Vietnam noong May 1 kung saan isinailalim sa RT-PCR test ang mga crew.

Doon natukoy na 12 mula sa 21 Filipino crew members nito ay positibo sa COVID-19 at dalawa sa kanila ay kailangan ng urgent medical care.

Ang dalawang crew ay kapwa kritikal ang kondisyon ayon sa MARINA.

Matapos makakuha ng clearance mula sa BOQ at Department of Health (DOH), ang MV Athens Bridge ay pinapunta sa quarantine anchorage area.

Natalaga din ng seguridad ang PCG para matiyak na walang hindi otorisadong indbidwal na makalalapit sa barko.

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *