12 pang barangay isinailalim sa lockdown sa Maynila

12 pang barangay isinailalim sa lockdown sa Maynila

Iniutos ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang pag-iral ng apat na araw na lockdown sa 12 pang barangay sa lungsod, isang kalye at isang gusali dahil sa naitalang mataas na kaso ng COVID-19.

Nilagdaan ni Domagoso ang Executive Order No. 08 na nagdedeklara bilang “critical zones” sa mga apektadong lugar.

Batay sa EO, iiral ang lockdown mula Lunes, March 22, alas 12:01 ng madaling araw hanggang Huwebes, March 25 alas 11:59 ng gabi sa sumusunod na mga lugar:

—Barangay 107
—Barangay 147
—Barangay 256
—Barangay 262
—Barangay 297
—Barangay 350
—Barangay 385
—Barangay 513
—Barangay 519
—Barangay 624
—Barangay 696
—Barangay 831
—Street lockdown (Barangay 353): Kusang Loob Street, Sta. Cruz
—Clustering Lockdown (Barangay 658): NYK Fil-Ship Management Building

Habang umiiral ang lockdown ay magsasagawa ng disease surveillance at massive contact tracing sa mga apektadong lugar.

Ayon sa alkalde, sa kasagsagan ng lockdown, ang mga residente ay istriktong dapat na manatili sa loob ng tahanan.

Ang tanging exempted lamang ay ang mga sumusunod:

– health workers
– military personnel
– service workers (pharmacies, drug stores, and funeral homes)
– utility workers (energy, cable, internet, telecommunication companies, water, sanitation, and critical transport facilities including port operation)
– essential workers (goods delivery, food delivery, banking and money services)
– barangay officials (Chairpersons, Barangay Secretary, Barangay Treasurers, Kagawads, and Executive Officers)
– media practitioners na accredited ng Presidential Communications Operations Office at Inter-Agency Task Force

Inatasan ang mga station commander ng Police Stations na nakasasakop sa naturang mga lugar na magtalaga ng kanilang mga tauhan para ipatupad ang lockdown.

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *