12 COVID-19 refrigeration units ng Maynila kumpleto na
Kumpleto na ang 12 COVID-19 refrigeration units na gagamitin para sa vaccine storage facility sa lungsod ng Maynia.
Noong Martes (February 9) dumating na din ang tatlong biomedical freezers na gagamitin para sa COVID-19 vaccines ng Pfizer.
Target na masimulan ang operasyon ng COVID-19 Storage Facility sa lungsod sa February 14.
Nagpatawag na ng pulong si Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kina Vice Mayor Ma. Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan at mga opisyal ng Manila Health Department (MHD) at Sta. Ana Hospital para sa isasagawa ng mass vaccination sa Maynila.
Dumalo din sa pulong sina Assistant to the City Health Officer Dr. Ed Santos, Sta. Ana Hospital Pharmacist Jude Beltran, Biomedical Specialist Walter Rigonan, City Engineer Armand Andres, Haier Biomedical Company Managing Director Pilarcita Sta. Ana kasama ang Sales Director na si Jonathan Sta. Ana.
“Gawin natin ang lahat para maproteksyunan ang bakuna. That is a reflection of every life that we can protect. May buhay na nakasalalay sa bawat bakunang hawak natin,” ayon kay Domagoso.
Tiniyak naman ni Dr. Padilla na handa na ang Sta. Ana Hospital sa pagdating ng COVID-19 vaccines na iba’t ibang brand.
Ang storage facility aniya ay secured at mayroong 11 CCTV cameras na 24/7 na gumagana at anim na data loggers.
Mayron din aniyang back-up generator ang pasilidad sakaling makaranas ng brownout.
“This is to ensure the security of the vaccines tapos sa ating mga refrigerations mayroon tayong tinatawag na data logger, sila yung magmo-monitor ng temperature ng each ref,” ani Dr. Padilla.
Ayon kay Sta. Ana Hospital Biomedical Specialist Walter Rigonan ang 12 COVID-19 vaccine freezers ay kayang paglagyan ng mga sumusunod:
—2 units of -10 to -25 freezer: 5,200 vials each
—2 units of -10 to -30 freezer: 17,2000 vials each
—3 units of -70 freezer: 35,000 vials each
—5 units of 2-8 degrees freezer: 8,200 vials each