Pag-iisyu ng driver’s license na mayroong 10-year validity sisimulan na ngayong taon
Ibinida ni Department of Transportation Sec. Arthur Tugade na naatugunan na ng Land Transportation Office (LTO) ang backlog sa pag-iisyu ng drover’s license.
Ayon kay Tugade, nakamit na ng LTO ang zero backlog sa driver’s license na mayroong 5 year validity.
Kabuuang 27,620,091 na driver’s license cards at permits ang nai-isyu ng LTO simula July 2016 hanggang March 30, 2021.
Ani Tugade, ngayong taon, nakatakda na ring simulan ang pamamahagi ng driver’s licenses na mayroong 10-year validity.
Sa ilalim aniya ito ng enhanced demerit system ng LTO, kung saan mabibigyan ng oportunidad na magkaroon ng 10-year valid license ang mga motoristang may malinis na record. (Dona Dominguez-Cargullo)