Parte ng Fort Bonifacio ibebenta ng pamahalaan para sa mga pamilyang naulila ng mga sundalo
Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ibenta ang bahagi ng lupa ng kampo ng militar sa Fort Bonifacio sa Taguig.
Ayon sa pangulo ito ay upang may magamit na pera para pang tustos sa pag-aaral ng mga anak ng mga nasawing sundalo.
Nais din ng pangulo na maglaan ng sapat na pondo para sa pensyon at iba pang pangangailangan ng mga sundalo at ng kanilang mga pamilya.
Ayon sa pangulo, inatasan na niya si Finance Secretary Sonny Dominguez na mag tayo ng ka pareho ng Government Service Insurance System para sa mga benepisyo ng mga sundalo.
Nais ng Pangulo na bago pa man matapos ang kanyang termini, mag iwan ng malaking pondo sa Armed Forces of the Philippines.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ang pagbisita kahapon sa Zamboanga sa mga nasugatan at nasawing sundalo matapos mag crash ang C130 sa Sulu.
Aabot sa humigit kumulang limampubg sundalo ang nasawi sa naturang aksidente. (Faith Dela Cruz)