Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 5,000; dagdag na 43 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 5,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, July 5 ay 1,441,746 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 5,392 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,364,960 ang gumaling o katumbas ng 94.7 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 6,477 na gumaling.
52,708 naman ang active cases o katumbas ng 3.7 percent.
25,149 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.75 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 86 pang pumanaw. (Dona Dominguez-Cargullo)