Nasawi sa military plane crash sa Sulu umakyat na sa 50

Nasawi sa military plane crash sa Sulu umakyat na sa 50

Umakyat na sa 50 ang bilang ng mga nasawi sa pagbagsak ng military plane sa Sulu.

Ayon kay Major Gen. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), natagpuan na ng mga otoridad ang bangkay ng 5 pang natitirang sundalo.

47 na sundalo at 3 sibilyan na nasa kapatagan ang nasawi sa trahedya na nangyari sa Barangay Bangkal, sa Patikul, Linggo ng 11:30 ng umaga.

Sinabi ni Arevalo na kabuuang 49 military personnel ang na-rescue at apat na sibilyan na nasa kapatagan ang nasugatan. 32 sa mga ito ang nanatili pa sa mgaa ospital.

Sa ngayon, aniya, ay nagsasagawa na ng retrieval operations sa mga bahagi ng bumagsak na military aircraft para makakalap ng karagdagang teknikal na impormasyon.

Idinagdag pa ni Arevalo na grounded muna ang C-130 planes. Tatlo sa mga ito ay sumasailalim aniya sa maintenance. (L. Soriano)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *