Bagyong Emong napanatili ang lakas; Signal No. 1 nakataas sa Batanes at bahagi ng Cagayan
Napanatili ng Tropical Depression Emong ang lakas nto habang papalapit sa bahagi ng Batanes-Babuyan Islands.
Huling namataan ang bagyo sa layong 315 kilometers East ng Aparri, Cagayan.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 40 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Batanes
– northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) kabilang ang Babuyan Islands
Ayon sa PAGASA, ngayong araw hanggang bukas ng (July 6) ng umaga ang bagyo ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Batanes at Babuyan Islands. (Dona Dominguez-Cargullo)