Sports car huli ng I-ACT; hindi rehistrado at walang nakakabit na plaka
Huli ng mga tauhan ng Inter Agency Task Force ang isang sports car sa bahagi ng EDSA Monumento.
Pinara ng I-ACT ang kulay berdeng sasakyan dahil walang nakakabit na license plate.
Tinangka pa ng driver nitong takasan ang mga otoridad pero nagawa itong mahabol ng I-ACT HPG Enforcers.
Wala ding naipakitang balidong rehistro ng sasakyan ang driver nito.
Ayon sa I-ACT papatawan ng multa ang driver dahil sa dalawang paglabag. (Dona Dominguez-Cargullo)