Carrascal, Surigao Del Sur niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 8 kilometers northeast ng bayan ng Carrascal ala 1:04 ng madaling araw ng Lunes, July 5.
May lalim na 66 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (Dona Dominguez-Cargullo)