Malalimang imbestigasyon sa military plane crash sa Sulu iniutos ni Lorenzana

Malalimang imbestigasyon sa military plane crash sa Sulu iniutos ni Lorenzana

Ipinag-utos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang malalimang imbestigasyon sa nangyaring pagbagsak ng C-130 plane sa Patikul Sulu.

Ayon kay Lorenzana agad uumpisahan ang imbestigasyon sa sandaling makumpleto ang rescue at recovery operation.

Kasabay nito ay hiniling din ni Lorenzana sa publiko ang panalangin sa mga nasawi sa insidente.

Sa pinakahuling datos ay umabot na sa 45 ang bilang ng mga nasawi sa military plane crash.

“I have ordered a full investigation to get to the bottom of the C-130 incident, as soon as the rescue and recovery operation is completed. I ask everyone to join us in praying for the the pilots, crew, passengers of the ill-fated C-130 aircraft as well as their families,” ani Lorenzana.

Hiniling din ni Lorenzana na iwasan ang pagpapakalat ng mga spekulasyon tungkol sa mga kagamitan na binili at ginagamit ng AFP.

Kasunod ito ng mga alegasyong depektibo ang mga nabibiling gamit ng AFP. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *