Bagyong Emong lumakas pa habang nasa bahagi ng Philippine Sea

Bagyong Emong lumakas pa habang nasa bahagi ng Philippine Sea

Bahagya pang lumakas ang bagyong Emong habang nananatili sa Philippine Sea.

ang bagyo ay huling namataan sa layong 780 kilometers east ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong north northwest.

Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Batanes
– northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) including Babuyan Islands

Ayon sa PAGASA bukas ng gabi hanggang sa Martes ng tanghali ang bagyo ay magdudulot na ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.

Posible ding lumakas pa ang bagyo at maging isang tropical storm sa susunod na 24 na oras. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *