22 nagpositibo sa Swab Cab ng OVP sa Naga
Umabot sa 174 na katao ang naisailalim sa libreng swab test sa Swab Cab ng Office of the Vice President sa Naga.
Sa update sa Facebook page ni Vice President Leni Robredo, sa 174 na naisailalim sa swab test, 22 ang nagpositibo sa COVID-19.
Katumbas aniya ito ng 12.6% na positivity rate.
Nagpasalamat naman si Robredo sa mga volunteer na tumulong sa aktibidad sa kabila ng pagbuhos ng ulan. (Dona Dominguez-Cargullo)