LPA sa bahagi ng Eastern Samar isa nang ganap na bagyo; Signal #1 nakataas sa Batanes at bahagi ng Cagayan
Naging isang ganap na bagyo na ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Eastern Samar.
Ang bagyo na pinangalanang Emong ay huling namataan sa layong 790 kilometers east ng Catarman, Northern Samar.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Batanes
– northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) including Babuyan Islands