119 na piraso ng buhay na tarantula nakumpiska ng Customs

119 na piraso ng buhay na tarantula nakumpiska ng Customs

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs-NAIA ang tangkang illegal wildlife trade matapos makumpiska ang 119 na buhay na na itinago sa loob ng mga sapatos.

Nakumpiska ang mga ito sa DHL warehouse na idineklarang mga “buty” na polish word para sa sapatos.

Galing sa isang “Michal Krolicki” mula Poland ang kargamento at ang consignee ay taga-General Trias, Cavite.

Nang isailalim sa physical examination, nakita ang mga buhay na tarantulas na nakasilidad sa plastic vials.

Naiturn-over na ang mga ito sa Department of Environment and Natural Resources Wildlife Traffic Monitoring Unit (DENR WTMU).

Ang tarantulas ay nasa ilalim ng endangered wildlife species at ang illegal wildlife trading ay may karampatang parusa na 6 na buwan hanggang isang taon na pagkakabilanggo at multa na P10,000 hanggang P200,000.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *