Pag-aalburuto ng Bulkang Taal hindi dapat ginagawang katatawanan
Hindi dapat ginagawang katatawanan ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sa kaniyang tweet, sinabi ni Senator Panfilo Lacson na habang nagpa-panic ang mga residente malapit sa Bulkang Taal at nagsasagawa ng evacuation effort ay hindi tamang ginagawa pang katatawanan ang panganib nito.
Bagaman walang binanggit si Lacson kung sino ang kaniyang pinatutungkulan, tila pasaring ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Noon kasing Huwebes ng hapon, nag-joke ang pangulo na tatakpan niya ang crater ng Bulkang Taal para mahinto ang pag-aalburuto nito.
Pero sa kabila ng nasabing pahayag sinabi naman ng pangulo na mayroong nakahandang relief goods ang DSWD para sa mga ililikas pamilya. (Dona Dominguez-Cargullo)