BOC nakapagtala ng mas mataas na koleksyon sa unang anim na buwan ng 2021
Sa kabila ng nararanasang pandemya, nakamit ng Bureau of Customs ang target na koleksiyon para sa buwan ng Hunyo 2021.
Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, nahigitan din ng ahensya ng 11.2%, ng Midyear Collection Target.
Nakakulekta ang BOC ng P52.447 billion noong Hunyo, o lagpas ng P5.272 billion sa target collection na P47.175 billion.
Ito ay 11.2% na mas mataas, batay sa report ng BOC Financial Service.
Kabilang sa koleksiyon na ito ang karagdagang kinita mula sa Tax Expenditure Fund (TEF) na P157.06 million at ang Post Clearance Audit Group (PCAG) collection na P148.73 million noong Hunyo.
Ayon kay Guerrero, anim na sunud-sunod na buwan na nakakamit ng bureau ang mataas na revenue collection.