Garchitorena, Camarines Sur niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Garchitorena, Camarines Sur niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Camarines Norte.

Naitala ang pagyanig sa layong 26 kilometers northeast ng bayan ng Garchitorena alas 8:23 ng umaga ng Biyernes, July 2.

May lalim na 9 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.

Naitala ang Istrumental Intensity III sa Pili, Camarines Sur at Intensity I sa Sipocot, Camarines Sur at Daet, Camarines Norte.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *