Halos isang taon matapos ang nagdaang SONA ni Pangulong Duterte, serbisyo ng internet sa bansa patuloy na bumubuti
Halos isang taon ang nakalipas matapos ang nagdaang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ay patuloy na bumubuti ang serbisyo ng internet sa bansa.
Sa nasabing SONA ng pangulo, inatasan nito ang PLDT ay Globe Telecom na pagbutihan ang kanilang serbisyo.
Batay sa ulat ng Ookla Speedtest Global Index lumalabas ang internet average download speed sa Pilipinas ay patuloy na bumibilis.
Ang fixed broadband speed ay tumaas sa 66.55Mbps noong Hunyo kumpara sa 58.73Mbps noong Mayo 2021.
Kumakatawan ito sa month-to-month improvement na 13.32% para sa fixed broadband.
Nagpapakita din ito ng 741.34% na improvement sa bilis ng internet service sa bansa simula nang mag-umpisa ang panunungkulan ng Duterte administration noong July 2016.
Bumlis din ang mobile internet noong buwan ng June kung saan naitala ang average download speed na 32.84Mbps mula sa 31.97Mbps noong Mayo.
Ang nasabing download speed ay kumakatawan sa month-to-month improvement na 2.72% para sa mobile internet.
Katumbas ito ng speed improvement na 341.40% mula nang magsimula ang Duterte administration noong July 2016.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Duterte na pagaanin at bilisan ang pag-iisyu ng LGU permits para sa pagpapatayo ng tower ng mga telco.
Dahil sa mas maraming cellular towers na naitayo at nailatag na fiber optic network ay bumilis ang serbisyo ng internet sa bansa. (Dona Dominguez-Cargullo)