BREAKING: Alert Status ng Bulkang Taal itinaas sa level 3 ng Phivolcs; mga residente sa high-risk barangay ng Agoncillo at Laurel pinalilikas na
Mula sa alert level 2 ay itinaas ng Phivolcs sa alert level 3 ang status ng Bulkang Taal.
Sa ilalim ng alert level 3 nangangahulugang mayroong magmatic unrest sa nasabing bulkan.
Ayon sa Phivolcs ang nararanasang magmatic intrusion ay maaring masundan ng eruptions o pagputok ng bulkan.
Ipinayo ng Phivolcs ang paglilikas sa mga nasa Taal Volcano Island at high-risk barangay sa mga bayan ng Agoncillo, at Laurel sa Batangas dahil delikado ang pagkakaroon ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami.
Pinapayuhan din ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Volcano Island.
Bawal na ding pasukin ang mga high-risk barangay ng Agoncillo at Laurel. (Dona Dominguez-Cargullo)