Mga gagamba at centipedes nakumpiska ng Customs
Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) 44 wildlife species sa Philpost Central Mail Exchange Center.
Ang overstaying na kargamento ay nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of NAIA na pawang idineklarang naglalaman ng learning materials.
Pero nang busisiin ang laman nito ay natuklasan ang 25 tarantulas, 12 spiderlings, 5 centipedes, at 2 ornithoctonus black spiders.
Galing ng Thailand ang kargamento na naka-consign consigned sa isang Aldwin Capucae ng Pasay City.
Dahil hindi kinukuha ang parcel natapos na ang reglementary period sa pag-claim nito kaya idineklara nang abandonado.
Ayon sa Customs nasa halos kalahating milyong piso ang halaga ng nasabing mga wildlife species.
Dinala ang mga ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Nagsasagawa na ng imbestigasyon sa posibleng paglabag sa Republic Act (RA) No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act, at RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) Section 117 in relation to Section 1113 and 1400 laban sa may-ari ng kargamento. (Dona Dominguez-Cargullo)