Lt. Gen. Parlade nagbitiw sa pwesto sa NTF-ELCAC
Nagbitiw na sa pwesto sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang kontrobersyal na si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.
Ayon kay Parlade nagbitiw siya sa pwesto sa NTF-ELCAC isang buwan na ang nakararaan.
Isinumite niya ang resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod na rin ito ng pagkwestyon ng mga mambabatas sa kaniyang pwesto bilang tagapagsalita ng Task Force.
Sa July 26 ay nakatakdang magretiro si Parlade sa serbisyo. (Dona Dominguez-Cargullo)