Antipolo at Marikina stations ng LRT-2 magagamit na ng mga pasahero simula sa July 6

Antipolo at Marikina stations ng LRT-2 magagamit na ng mga pasahero simula sa July 6

Magagamit na ng publiko ang dalawang bagong istasyon ng LRT line 2 simula sa July 6.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Transit Authority (LRTA), pasisinayaan na ngayong Huwebes ang LRT-2 East Extension Project.

Ang dalawang bagong istasyon ay Marikina at Antipolo.

Sa sandaling maging operational na, sinabi ng DOTr na ang travel time mula Claro M. Recto sa Maynila hanggang sa Masinag, Antipolo ay magiging 30 hanggang 40 minutes na lang.

Makatutulong din ang LRT-2 East Extension Project para mabawasan ang traffic congestion sa Marcos Highway, lalo na sa bahagi ng Marikina, Pasig, at Antipolo.

Ayon sa DOTr, simula nang umpisahan ang konstruksyon ng proyekto ay umabot sa 2,800 na trabaho ang nalikha.

Karagdagang 170 pa ang mabibigyan ng trabaho sa pagbubukas ng Marikina at Antipolo stations.

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *