Kumpanyang nagpasweldo ng barya sa kanilang empleyado pinaiimbestigahan na ng DOLE

Kumpanyang nagpasweldo ng barya sa kanilang empleyado pinaiimbestigahan na ng DOLE

Pinaiimbestigahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang isang kumpanya sa Valenzuela City na nagpasweldo ng mahigit P1,000 halaga ng mga barya sa kanilang empleyado.

Ayon kay DOLE spokesperson Rolly Francia inatasan na ni Labor Secretary Silvestre Bello III si DOLE National Capital Region (NCR) director Sara Buena-Mirasol na imbestigahan ang insidente.

Ang empleyadong si Russel MaƱosa ay tumanggap ng P1,056 na sweldo mula sa kumpanyang Nexgreen Enterprise.

Ang nasabing halaga ay puro barya na ibinigay sa kaniya na pawang tig-5, 10 at 25 centavos at piso.

Ayon kay Francia, kabilang din sa iimbestigahan ang mga reklamong unfair labor practice at non payment ng benefits ng nasabing kumpanya.

Nagsagawa din agad ng imbestigasyon ang Valenzuela City LGU sa naturang insidente. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *