Disposable at single use plastics bawal na sa dine-in sa QC
Simula bukas, July 1 bawal na ang paggamit ng disposable plastics at single use plastics sa dine-in transactions sa mga hotel at restaurant sa Quezon City.
Batay ito sa City Ordinance 2876-2019 ng lungsod.
Kabilang sa ipagbabawal na ay ang mga disposable na kutsara, tinidor, at cups sa mga fast food chain.
Sa ilalim ng nasabing ordinansa, may parusang P1,000 multa sa unang paglabag, P3,000 multa at revocation ng environmental clearance at iisyuhan ng cease and desist order sa ikalawang paglabag at P5,000 multa at revocation ng business permit at issuance ng closure order sa ikatlong paglabag. (Dona Dominguez-Cargullo)