DOLE nagkakasa na ng repatriation flights para sa mga stranded na OFWs sa UAE
Iuuwi na ng Pilipinas ang nasa 1,800 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na stranded sa United Arab Emirates.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), sisimulan ang repatriation flights sa UAE sa July 10.
Stranded sa Dubai, ang mga pauwing OFWs dahil sa travel ban na pinaiiral ng Pilipinas sa mga biyahero galing UAE.
Ang travel restrictions ay pinalawig pa ng pamahalaan hanggang July 15. (Dona Dominguez-Cargullo)