Quarantine sa mga biyaherong fully-vaccinated at galing sa low-risk countries pitong araw na lang ayon sa Malakanyang
Ibinaba sa pitong araw na lamang ang pagsasailalim sa facility-based quarantine sa mga biyaherong fully-vaccinated at galing sa low risk countries.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, epektibo ito sa July 1.
Kung ang inbound travelers ay fully-vaccinated na at galing sa mga bansang itinuturing na “green” o low-risk countries sasailalim na lamang sila sa 7-day facility-based quarantine pagdating sa Pilipinas.
Kailangan din nilang sumailalim sa RT-PCR test sa ikalimang araw ng kanilang facility-based quarantine.
Pagkatapos ng pitong araw na quarantine, sila ay papayuhang i-monitor ang sarili sa posibleng COVID-19 symptoms sa susunod na pitong araw.
Ani Roque, maglalabas ng listahan ang Department of Health (DOH) sa mga bansa na maituturing na “green” o “low-risk”. (Dona Dominguez-Cargullo)