Naranasang haze sa Metro Manila hindi dahil sa Bulkang Taal – PHIVOLCS

Naranasang haze sa Metro Manila hindi dahil sa Bulkang Taal – PHIVOLCS

Nilinaw ng Phivolcs na ang naranasang naranasang “haze” sa Metro Manila ay hindi galing sa Bulkang Taal.

Ginawa ng Phivolcs ang pahayag matapoas lumabas sa social media ang mga larawan ng tila mas makapal na haze sa Metro Manila.

Ayon sa Phivolcs, ang malabong kapaligiran o “haze” na naranasan sa Metro Manila ay “smog” o dulot ng polusyun galing sa “human activities”.

Noong Lunes ay nag-isyu ang Phivolcs ng abiso sa mga nasa paligid ng Taal Lake na maging maingat sa sulfur dioxide na ibinubuga ng Taal Volcano.

Ayon sa Phivolcs mapanganib ito sa kalusugan lalo na kung mayroong hika o iba pang kondisyon sa baga, nakatatanda, buntis at mga bata. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *