Phivolcs binalaan ang mga nasa palibot ng Taal Lake sa patuloy na paglalabas ng volcanic sulfur dioxide ng Bulkang Taal
Nagbabala ang Phivolcs sa mga naninirahan sa palibot ng Taal Lake kaugnay sa patuloy na paglalabas ng volcanic sulfur dioxide ng Bulkang Taal.
Ayon sa Phivolcs, sa nagdaang dalawang araw, naobserbahan ang mas mataas na antas ng paglalabas ng volcanic sulfur dioxide at steam-rick plumes ng mula sa main crater ng Taal na umabot sa tatlong kilometro ang taas.
Noong Lingg (June 27) umabot sa 4,771 ang average tonners per day ng sulfur dioxide na ibinuga ng bulkan.
Sinabi ng Phivolcs na nagkaroon din ng pamumuo ng volcanic smog o vog na nagresulta ng haze sa Taal Caldera region.
Ayon sa Phivolcs kung magpapatuloy ang ganitong kondisyon ay dapat maging maingat ang mga nasa palibot ng Taal Lake.
Ang vog kasi ay isang uri ng polusyon sa hangin na galing sa bulkan.
Binubuo ito ng pinong patak na naglalaman ng volcanic gas at maaring magdulot ng iritasyon sa mata, lalamunan at respiratory tract.
Maari itong maging delikado lalo na sa mga may hika, sakit sa baga, sakit sa puso, matatanda, buntis at mga bata. (Dona Dominguez-Cargullo)