Paggamit ng Sinovac vaccine sa Taguig sinuspinde muna

Paggamit ng Sinovac vaccine sa Taguig sinuspinde muna

Suspendido muna ang Sinovac vaccinations para sa first at second dose sa Taguig City.

Sa pahayag sinabi ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na batay sa inilabas na memorandum ng Taguig Vaccination Task Force wala munang isasagawa ng Sinovac vaccinations sa mga nasa A1 hanggang A4 categories.

Ito ay makaraang ipabatid ng Department of Health (DOH) na hindi pa naipapalabas ang Certificate of Analysis (COA) para sa mga nai-deliver na Sinovac doses.

Sinabi ni Cayetano na agad magre-resume sa paggamit ng Sinovac kapag nakuha na ang karampatang dokumento mula sa DOH.

Ang mga suplay ng Sinovac vaccine ng Taguig ay nasa kanilang cold storage facilty.

Tiniyak ni Cayetano na bibigyan ng panibagong schedule ang mga naapektuhan ng suspensyon.

Ang mga naka-schedule na tumanggap ng second dose araw ng Lunes (June 28) ay ipa-prioritize sa sandaling pwede na ulit mag-resume ang pagbabakuna. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *