DOH iniimbestigahan na ang insidente ng hindi tamang pagtuturok ng bakuna sa isang vaccine recipient sa Makati
Nakarating na sa Department of Health (DOH) ang alt kaugnay sa umano ay hindi tamang pagtuturok ng bakuna sa isang vaccine recipient.
Ayon sa DOH, batid nila ang kumakalat na video na nagpapakita na ang vaccine recipient ay hindi nakatanggap ng proper dose ng COVID-19 vaccine at malinaw ayon sa ahensya na paglabag ito sa vaccination protocol.
Sa video makikita na naitusok ng healthcare worker ang karayom pero hindi nito itinulak ang syringe kaya hindi naiturok ang dosage ng bakuna.
Agad din namang natugunan ang insidente at nabakunahan din ang recipient matapos niyang ipakita ang video sa vaccination team.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III iniimbestigahan na ng DOH ang nangyaring paglabag sa vaccination protocol.
Pinaalalahanan din ni Duque ang lahat ng vaccinators na maging maingat sa ginagawang inoculation. (Dona Dominguez-Cargullo)