Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 6,000; dagdag na 108 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 6,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, June 24 ay 1,378,260 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 6,043 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,302,814 ang gumaling o katumbas ng 94.5 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 4,486 na gumaling.
51,410 naman ang active cases o katumbas ng 3.7 percent.
24,036 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.74 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 108 pang pumanaw. (Dona Dominguez-Cargullo)