Dating Pangulong Noynoy Aquino nag-iwan ng legasiya sa foreign policy at national history ng Pilipinas ayon sa DFA

Dating Pangulong Noynoy Aquino nag-iwan ng legasiya sa foreign policy at national history ng Pilipinas ayon sa DFA

Kinilala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang “remarkable legacy” ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa foreign policy at national history ng Pilipinas.

Sa inilabas na pahayag, nakiramay ang DFA sa pagpanaw ng dating pangulo.

Ayon sa DFA, sa panahon ng panunungkulan ni PNoy bilang pang-labinglimang pangulo ng bansa, dinala nito sa “principled direction” ang foreign policy ng bansa na naging dahilan para umani ang Pilipinas ng international respect.

Kasabay nito ay nagpaabot ng pakikiramay ang DFA sa pamilya at mga kaibigan na naulila ni PNoy.

Sinabi ng DFA na nagluluksa ang sambayanang Filipino sa pagkawala ng isang “great man, leader at nationalist”. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *