Mandatory na paggamit ng staysafe.ph mobile app sa mga pampublikong sasakyan ipatutupad ng LTFRB

Mandatory na paggamit ng staysafe.ph mobile app sa mga pampublikong sasakyan ipatutupad ng LTFRB

Iniutos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na gawing mandatory ang paggamit ng STAYSAFE.PH mobile application bilang contact tracing app sa mga Public Utility Vehicles (PUV).

Kasunod ito ng inilabas na Memorandum Circular ng LTFRB na pinagtibay ng Inter-Agency Task Force.

Ang lahat ng PUV operators ay kinakailangang gawin ang mga sumusunod sa loob ng susunod na 30-araw:

1. Magrehistro sa StaySafe.ph application at gumawa ng sariling QR Code;
2. Ipaskil ang QR Code sa entrance door at sa loob ng PUVs upang makita agad ng mga pasahero;
3. I-require ang lahat ng pasahero na gamitin ang QR Code sa pagsakay at pagbaba ng PUVs;
4. Gawing available ang datos na nakalap sa contact tracing app sa LTFRB alinsunod sa itinakdang probisyon ng Data Privacy Act; at
5. Makipag-ugnayan sa StaySafe.ph pagdating sa koleksyon at paggamit ng datos na nakalap para sa contact tracing.

Istrikto pa rin ipinatutupad ang mga sumusunod minimum health standards sa mga pampublikong sasakyan kabilang pagsusuot ng face mask at face shield, bawal magsalita at makipag-usap sa telepono, bawal kumain, at iba pang health protocols.

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *