Pagkakaantala ng pagdating ng mga bagong doses ng Sputnik V sa bansa walang problema ayon sa Malaknyang
Walang magiging epekto ang nangyaring pagkakaantala ng pagdating sa bansa ng 50,000 doses ng COVID-19 vaccines na Sputnik V mula sa Russia.
Ito ang pagtitiyak sa publiko ng Palasyo ng Malakanyang.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang magiging problema kahit naa-delay ang pagdating ng mga bakuna.
Paliwanag ni Roque na mainam pa nga na matagalan ang pagturok sa ikalawang dose sa mga nabakunahan na ng Sputnik V dahil mas magiging epektibo ito.
Samantala sinabi ni Roque na nagkaroon na ng komunikasyon ang manufacturer ng Sputnik V sa Pilipinas para paameyandahan ang emergency use authorization ng bakuna.
Una nang nakatanggap ang Pilipinas ng 180,000 doses ng Sputnik V. (Faith Dela Cruz)