Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 4,300; dagdag na 119 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 4,300 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, June 23 ay 1,372,139 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 4,353 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,298,442 ang gumaling o katumbas ng 94.6 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 7,139 na gumaling.
49,862 naman ang active cases o katumbas ng 3.6 percent.
23,928 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.74 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 119 pang pumanaw. (Dona Dominguez-Cargullo)