Kiyomi Watanabe pasok na sa 2020 Tokyo Summer Olympics
Opisyal nang nakapasok sa 2020 Tokyo Summer Olympics ang Pinay na si Kiyomi Watanabe.
Batay ito sa final at official qualification list ng International Judo Federation.
Nag-qualify si Watanabe sa pamamagitan ng continental quota sa women’s minus-63 kg makaraang magtapos sa 41st place sa puntos na 1,506.
Maliban kay Watanabe, ang iba pang Filipino athletes na pasok sa Tokyo Olypics ay sina Hidilyn Diaz (minus-55 kg) at Elreen Ando (minus 64kg) sa weightlifting; boxing flyweight Carlo Paalam, middleweight Eumir Marcial, flyweight Irish Magno, featherweight Nesthy Petecio; gymnast Caloy Yulo; pole vaulter EJ Obiena; jin Kurt Barbosa; rower Cris Nievarez; skateboarder Margie Didal; shooter Jayson Valdez; at golfer Juvic Pagunsan. (Dona Dominguez-Cargullo)