Comedian at TV host na si Carmelito “Shalala” Reyes, pumanaw na

Comedian at TV host na si Carmelito “Shalala” Reyes, pumanaw na

Pumanaw na ang TV host at comedian na si Carmelito Reyes o mas kilala bilang Shalala.

Kinumpirma ni Antony, kapatid ni Shalala na pumanaw ito alas 7:30 ng umaga araw ng Miyerkules (June 23).

Cardiac arrest ang dahilan ng pagpanaw ni Shalala na edad 61.

Si Shalala ay na-admit sa National Kidney Institute (NKTI) noong nakaraang linggo pero nakalabas din at nakauwi ng bahay.

Noong Martes, June 22 muli itong isinugod sa Fe Del Mundo Medical Center kung saan ito binawian ng buhay. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *