Pasig City Mayor Sotto humingi ng paumanhin sa paghaba ng pila sa vaccination sites sa lungsod
Humingi ng paumanhin si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga residente ng lungsod dahil sa paghaba ng pila sa vaccination sites ngayong Martes (June 22).
Ayon sa alkalde, nagkaroon ng human error na nagresulta sa pagpapadala ng maling schedule ng bakuna sa pamamagitan ng text.
Ang mga naka-schedule aniya dapat ng Miyerkules (June 23) at Huwebes (June 24) ay nakatanggap ng text para magtungo sa vaccination site ng araw ng Martes.
Sinabi ni Sotto na ginagawa na ang lahat para masolusyunan ang problema at upang matiyak na hindi na ito mangyayari ulit. (Dona Dominguez-Cargullo)