Red Cross nakapagtayo na ng medical tents sa siyam na mga ospital sa Metro Manila
Mayroon nang medical tents ang Philippine Red Cross (PRC) sa siyam na mga government hospital sa Metro Manila.
Ayon sa Red Cross ang proyekto ay sa pakikipagtulungan sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) at sa International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC).
Ayon sa Red Cross ang mga medical tent ay nasa sumusunod na mga ospital:
1.Tondo Medical Center
2.Quirino Memorial Medical Center
3.Rizal Medical Center
4.San Lorenzo General Hospital
5.National Kidney and Transplant Institute
6.Lung Center of the Philippines (Emergency Field Hospital)
7.Amang Rodriguez Memorial Medical Center
8.Ospital ng Manila Medical Center
9.Novaliches District Hospital (Dona Dominguez-Cargullo)